STORIES AROUND THE PROVINCE:
SPECIAL FEATURE:Karanasan sa Pugad sa gitna ng dagat, Isang pagsilip sa buhay sa isla Malayo sa kabayanan. Napapaligiran ng dagat. Limitado ang transportasyon. Mapanganib tuwing panahon ng mga bagyo at baha. Kung titingnan ang lalawigan ng Bulacan ayon sa lapit nito sa mga sentro ng kalakalan sa bansa, hindi mo iisiping may mga parte pa pala itong nagtataglay ng mga nabanggit na katangian, na may mga isla pa palang lingid sa kaalaman hindi lamang ng mga taga-ibang lugar kung hindi maging ng mga Bulakenyo. Isa ang isla ng Barangay Pugad sa Hagonoy, Bulacan sa mga tagong lugar na ito sa probinsya. Bangka ang natatanging transportasyong nakakapag-ugnay sa mga taga-roon papunta sa kabayanan ng Hagonoy. Pagbati ang isinalubong ng mga taga-roon sa aming pagdating sa kanilang lugar. Isang lolo pa nga ang nagpasalamat at binisita raw namin sila. Sundan... PHOTOS: | NEWS:
FEATURES: |